December 23, 2024

P3M “SHABU” HULI SA HVI DRUG SUSPECT SA CEBU

Mambaling, Cebu City- Bumagsak na sa kamay ng mga pinagsanib na awtoridad ng PNP Region 7 at ng PDEA sa isinagawang anti-illegal drugs operation noong araw ng Huwebes ang isang High Value Individual (HVI) at nakuhanan ng humigit kumulang na tatlong milyon piso ng mga iligal na droga, baril at mga bala sa lugar ng Sitio Tinabangay, Alaska-Mambaling  sa nabanggit na bayan.

Kinilala ang suspek na si John Rey Jabagat alyas “John”, 30, na nasa listahan ng High Value Individual (HVI) sa Cebu.

Base sa ipinadalang report ng Police Regional Office 7 Regional Director PBGen.Ronnie S. Montejo kay PNP Chief Guillermo Eleazar, si Jabagat ay nadakip sa isang drug buy-bust operation na inilatag ng mga awtoridad.

Nakuha sa suspek ang mga sumusunod isang sling bag,  1 piraso ng heat sealed transparent plastic pack na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, 4 pcs. heat sealed plastic sachet na meron laman shabu, 4 pcs. knot tied transparent plastic packs ng iligal na droga, boodle marked money P16.000., 1 piraso. cal.45 pistol na meron laman na isang magazine at loaded ng apat na piraso ng mga bala at sa kabuuan ay aabot ng 430 grams ng shabu na meron halagang P2,924,000.00.

Mahaharap sa mga  patong-patong na mga kaso ng Sec.5 at 11 of Art. II ng RA 9165 (Dangerous Drugs Act.of 2002) at RA 10195 Illegal Possession of Fire Arms and Ammunitions. Nagpasalamat naman si Eleazar sa mga nagsagawa ng operasyon laban sa suspek gayundin sa mga Mamamayan na nakikiisa laban sa iligal na droga. (KOI HIPOLITO)