NASAMSAM ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) ang mga pekeng Coppermask sa iba’t ibang tindahan na matatagpuan sa Maynila at Pasay, at isang warehouse sa Biñan, Laguna.
Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor, nag-ugat ang operasyon mula sa reklamo ng JC Premiere Business International, na humihiling ng tulong sa pag-iimbestiga at mga aksyon upang mahinto ang paglaganap at pamamahagi ng pekeng mga produktong CopperMask.
Kaya naman, naglabas ng pitong search warrant ang NBI-NCR laban sa iba’t ibang tindahan sa Binondo, Maynila, Pasay City, at isang warehouse sa Biñan, Laguna.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakasamsam sa mga pekeng CopperMask na aabot sa halagang P37,956,680.
More Stories
MAAN TEODORO HINDI IBOBOTO NG DUTERTE SUPPORTERS (Sa pagpabor sa impeachment complaints vs VP Sara)
PHILHEALTH FUND TRANSFER TATALAKAYIN NA SA SC
Korte tinanggihan ang piyansa ng Bukidnon mayor sa kasong panggagahasa