Isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong suspek na si Hajeb Dizo, 36, ng 10 Ninoy Aquino Avenue, San Dionisio Paranaque City.
Sa imbestigasyon ni PSSg Kenneth Geronimo, dakong 9:45 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Rohmel Felices sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. John David Chua sa pamumuno ni Col. Rejano kontra sa suspek.
Sa Mc Arthur Hi Way corner Reparo St. Brgy. Potrero ang lugar na napagkasunduan ng suspek at ng isang undecover police na nagpanggap na buyer na nagawang makabili kayDizo ng P1,0000 halaga ng shabu.
Matapos iabot ng suspek ang isang sachet ng shabu sa police buyer kapalit ng marked money ay agad siyang dinamba ng mga operatiba. Nang kapkapan, narekober sa suspek ang aabot sa 53 gramo ng shabu na tinatayang nasa P360,400 ang halaga at buy bust money.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA