November 3, 2024

P36.5-M equipment mula US tinanggap ng PNP-Maritime Group

NAI-TURN OVER na ng United States government sa National Police-Maritime Group (PNP-MG) ang P3.65 milyon halaga ng mga kagamitan upang palakasin ang maritime law enforcement capability ng Pilipinas, ayon sa US Embassy sa Maynila.

Kabilang sa donasyon ay ang 12 sets ng scuba gear, underwater evidence collection items at iba pang may kagamitan sa pagsasanay, bilang suporta sa patuloy na Underwater Crime Scene Investigation program na pinondohan ng Washington simula 2016.

Ibinigay ang nasabing kagamitan sa Philippine National Police-Martime Group (PNP-MG) kahapon.

“T
his is the latest assistance provided to Manila over the course of a long and productive relationship between US government partners and the PNP-MG, ayon kay Embassy’s director for International Narcotics and Law Enforcement Affairs Kelia Cummins.

Samanantala, welcome naman kay PNP-MG director Police Brig. Gen. John Jamili ang patuloy na kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at US government upang palawakin ang kapabilidad ng ahensiya.