December 25, 2024

P340K SHABU NASABAT SA DRUG BUST SA VALENZUELA

NASA mahigit P.3 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa isang umano’y tulak ng illegal na droga na itinuturing bilang high value individual (HVI) matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Lunes ng umaga.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas ‘Marvin’, 49 at residente ng Caloocan City.

Sa ulat ni Col. Cayaban kay Northern Police District (NPD) Director BGen, Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave ng buy bust operation kontra kay ‘Marvin’ matapos magawa nilang makipagtransaksyon ng droga sa kanya.

Nang tanggapin ng suspek ang marked money na isang P500 bill na may kasamang walong P1,000 boodle money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong dakong alas-10:30 ng umaga sa 1st St., Brgy., Marulas.

Nakumpiska sa suspek ang humgi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P340,000, buy bust money, P300 recovered money, cellphone at sling bag.

Ayon kay PMSg Carlos Erasquin Jr, kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.