Hindi bababa sa P340,000 na halaga ng illegal na droga ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Pangasinan sa dalawang naaresto na High Value Target o HVT sa bayan ng Calasiao sa Pangasinan.
Ayon kay PDEA Provincial Officer Rechie Camacho, sa kanilang ikinasang Buy-bust Operation naaresto ang dalawang drug personalities na sina Christian Centino at Christopher Gabito na parehong residente sa Brgy. Nalsian sa bayan ng Calasiao.
Nagresulta ito upang makumpiska sa kanilang pag-iingat ang 50 grams na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 340,000 piso, isang unit ng cellphone, motorsiklo na kanilang gamit sa illegal na transaksyon at kinumpiska din ang ginamit na boodle money.
Matapos nito ay isinailalim din sa drug test ang dalawang drug personalities at nagpositibo.
Napag alaman naman ng mga otoridad na ang dalawang suspek ay kapwa mga ‘newly identified drug personalities’ ngunit maituturing na mga High Value Targets dahil sa laki ng halaga ng nakumpiskang droga sa kanila.
Base sa ginawang monitoring ng PDEA Pangasinan ay nag- o-operate umano ang mga suspek sa ibat ibang mga lugar sa probinsya, iniimbestigahan din kung may mga naging transaksyon din ang mga ito sa labas ng Pangasinan at kung mayroon pang iba pang kasabwat ang mga suspek sa pagtutulak ng illegal na droga.
Ayon kay Camacho, mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 na may kinalaman sa illegal na droga, ang dalawang drug personalities.
Nagpaalala din ito sa publiko na tuloy-tuloy parin ang kanilang laban kontra ilegal na droga sa lalawigan.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna