
Arestado ang isang babaeng tulak ng iligal na droga makaraang bumagsak sa kamay ng mga pinagsanib na puwersa ng Cavite Police Provincial Police Office-Drug Enforcement Unit at ng Dasmariñas Component City Police Station na nagsagawa ng anti-illegal drug buy bust operation sa suspek noong araw ng Miyerkules (March 19, 2025) sa Brgy. Datu Ismael ng Dasmariñas City, Cavite.
Kinilala ang suspek na si alyas “Nune”, 26 na taon gulang, residente sa nabanggit na lugar at nakalista bilang High Value Individual sa Cavite Police Provincial Office Drugs Watchlist.
Ayon sa report na ipinadala sa opisina ni Calabarzon Police Regional Office 4A Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, narekober sa posisyon ng suspek ang 3 plastic sachets na naglalaman ng mga pinaghihinalaang shabu na may bigat na 50 grams at nagkakahalaga ng P340,000.00. kasama ang ginamit na buy-bust money.
Mahaharap ang nakakulong ng suspek sa kasong paglabag sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Laws om Dangerous Drugs Act of 2002. (KOI HIPOLITO)
More Stories
DATING ILOILO MAYOR JED MABILOG, MULING LUMAHOK SA VIA CRUSIS
ANG PHARMALLY QUEEN AT ANG KATAHIMIKAN NG COMELEC
ICC, inutusan ang prosekusyon na isumite ang ebidensya laban kay Duterte bago ang Hulyo 1