TAAL, BATANGAS – Nasawi ang driver at isang pasahero habang apat pa sa miyembro ng kanilang pamilya ang nasugatan matapos na aksidenteng sumalpok ang kanilang sinasakyang Mitsubishi L-300 Van na kulay green at may plakang DSV 828 sa isang Isuzu Stake Truck na may plakang DCY 141 bandang 6:30 ng umaga kahapon sa Barangay Tulo, National Highway ng nabanggit na bayan.
Kinilala ang nasawing driver ng van na si Elmer Malabanan, 46, at si Abelina Malabanan, 68 anyos, habang nagtamo naman ng mga sugat sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Marcelo Malabanan, 71, Eldrey Malabanan, 18, Eldirose Malabanan, 40, at isang 7 taong gulang na batang lalake.
Habang kinilala naman ang driver ng truck na si Renato Atienza, nasa hustong gulang at residente sa naturang bayan.
Ayon sa mga imbestigador ng Taal Municipal Police Station, nasa gitna ng kalsada ang truck na minamaneho ni Atienza at naghihintay ng pagkakataon na makamaniobra ng pakaliwa ng salpokin ng nasabing na sinasakyan ng mga biktima dahil sa lakas ng pagkakabangga nawasak ang unahang bahagi ng van na nakuhanan ng CCTV.
Naisugod agad ng mga kawani ng MDRRMO ng Lemery na rumesponde sa aksidente ang mga sugatang biktima sa Batangas Provincial Hospital subalit idineklarang Dead on arrival sina Elmer at Abelina, habang nasa kustodiya na ngayon ng Taal PNP ang driver ng truck at nahaharap sa kasong Reckless Imprudence in Resulting to Homecide, Multiple Physical Injuries and Damage to Properties. (KOI HIPOLITO)
More Stories
DISMISSAL NG BUS DRIVER NA SANGKOT SA MARAMING AKSIDENTE, PINAGTIBAY NG SC
177 SENATORIAL ASPIRANTS ‘NUISANCE’ CANDIDATES – COMELEC
Misis na nasa likod ng pagpatay sa mister, arestado sa Valenzuela