SARIAYA, QUEZON – Sugatan ngayong ang tatlong security guard matapos silang paulanan ng bala ng mga hindi pa kilalang mga suspek na sakay ng isang kulay puting van na walang plaka bandang 10:00 ng kagabi sa kahabaan ng Sitio Dalampasigan, Brgy. Guis Guis Talon ng nasabing bayan.
Kinilala ang mga sugatang guwardiya na sina Muslimin Lim, 21, Norodin Ebrahim, 31, at si Esmael Panalandang, 29 anyos mga residente sa kaparehong lugar.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Sariaya Municipal Police Station dumating sa nabanggit na lugar ang kulay puting van na may sakay ng di pa tukoy na bilang ng mga kalalakihan at pinagbabaril ang tatlong biktima gamit ang matataas na kalibre ng mga baril nagawa naman gumanti ng putok ng baril ni Ebrahim sa mga suspek gamit ang kanyang issued firearms laban sa mga suspek na mabilis na tumakas patungo sa dipa batid na direksyon.
Narekober sa lugar ng crime scene ang 22 piraso ng mga basyo ng bala para sa cal.5.56 (M16) riffle armalite, apat na basyo ng bala para sa cal. 45, dalawang basyo ng bala para sa cal.9mm at isang empty shell ng 12 gauge shot gun.
Mabilis naman naisugod ng mga taong nakakita sa krimen ang mga sugatang biktima at dinala sa Greg Hospital para gamutin.
Inaalam na ngayon ng mga otoridad ang mga pagkatao ng mga posibleng suspek at motibo sa nangyaring krimen. (KOI HIPOLITO)
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund