November 23, 2024

Japan nais ng ‘constructive’ at ‘stable’ na relasyon sa China

SUSUBUKAN ng Japan at China na magkaroon ng arrangement sa leaders summit ngayong buwan, na posibleng isingit sa G20 meeting sa Indonesia sa susunod na linggo o sa magkasunod na dalawang araw na Asia-Pacific Economic Cooperation gathering sa Thailand na magaganap sa Nobyembre 18.

Inaasahan din ni Prime Minister Fumio Kishida na salungguhitan ang kahalagahan ng “constructive at stable ” na relasyon sa pagitan ng Tokyo at Beijing, sa ika-50 taon ng normalisasyon ng diplomatikong relasyon.

Gayunpaman, maaari ring talakayin sa magaganap na pagpupulong ng mga world leaders ang ilang malalalim na dibisyon sa pagitan ng mga pamahalaan at ang inaangkin ng Beijing na bansang Taiwan at mga isla ng Senkaku na sakop ng Japan, na kilala bilang Diaoyu Islands sa China.

Iniaasahang hihilingin ni Kishida kay Xi Jinping na resolbahin ang mga isyung ito sa Taiwan sa pamamagitan ng isang diyalogo sa halip na military confrontation, na labis na ikinababahala ng Japan sa agresibong tugon ng Beijing matapos ang pagbisita ni US House of Representatives Speaker Nancy Pelosi sa Taipei noong Agosto.

Nanininiwala ang China na bahagi ng Taiwan ng kanilang teritoryo at gagamit sila ng puwersa kung kinakailangan. Karamihan sa mga bansa, kabilang na ang Japan, ay hindi kinikilala ang Taiwan bilang isang independent state subalit tutol sila sa anumang hakbang para angkinin ang isla sa pamamagitan ng puwersa.

Bagama’t nag-aalala ang mga conservatives sa Japan, hindi titindig si Kishida kay Xi sa mga bagay na may impact sa national at regional security.

“In the past, former prime minister [Shinzo] Abe reiterated every time that he met Xi that the Chinese leadership should absolutely not misunderstand the resolve of the Japanese people to defend the Senkakus,” saad ni said Yoichi Shimada, professor ng international relations sa Fukui Prefectural University.

“My concern is that [if] Kishida does not make that position very clear, that Xi might sense that the Senkakus are not as important to Tokyo as they were under Abe and he could see that as a weakness.”

Magkatulad ang sitwasyon na bumabalot ngayon sa Taiwan, kaya inimungkahi niya na dapat itong linawin ni Kishida sa kanyang Chinese countert part dahil karamihan sa southerly islands ng Okinawa Prefecture ay nasa 100km lamang mula sa Taiwan, anumang military action laban sa isla ay hindi maiiwasang madamay ang Japan.

Umaasa rin si Shimada na magbibigay si Kishida ng mensahe na ang anumang unilateral actions laban sa Japanese companies na may mga pasilidad o operasyon sa China ay magdudulot lamang ng pinsala sa corporate trust sa China at makakasama sa ekonomiya ng parehong bansa.

Gayunpaman, optimistiko ang ibang analysts kaugnay sa kung paano ang anumang bilateral meeting ay maaaring mangyari at ang positive developments na malayo sa northeast Asia.

“I am rather optimistic for these talks, if they do go ahead, because they could serve as a very constructive foundation for more going forward,” saad ni Yakov Zinberg,  professor ng  international relations sa Tokyo’s Kokushikan University.

“The two governments appear to want to build bridges and I’m sure that the US will have a strong interest in that happening as well,” he said. “In fact, I would not be at all surprised if the original initiative for the idea of a summit came from Washington as it looks to improve the situation in the Far East.”

Inaasahan din niya na hindi papansinin ang mga isyu sa Taiwan at Diaoyu Islands sa interest interest ng pagpapapabuti ng relasyon ng mga bansa.

 “They want to work on the bigger picture and if the two sides were just going to get bogged down in discussions on those two issues, there would be no point in Kishida and Xi meeting,” saad niya.

Ngunit may isa pang napaka makabuluhang potensyal na resulta ng pagpupulong, iminungkahi niya.  “I see this as an attempt to find some kind of resolution to the Ukraine conflict,” he said. “We could see a joint effort by China and Japan to work on a peace initiative that would work for both sides in the war as third-parties.”