December 25, 2024

BOC nagdagdag ng X-ray machines vs kontrabando

NAGDAGDAG ang Bureau of Customs X-ray Inspection Project (BOC XIP) ng karagdagang X-ray machines bilang bahagi ng kanilang mandato sa trade facilitation at border protection laban sa pagpasok ng mga kontrabando.

Iniligay ang isang unit ng Nuctech mobile container X-ray scanner sa Port of Cebu at isa rin sa Port of Cagayan de Oro.

Matibay ang mga machine na ito na kayang matukoy ng mas maayos at malinaw ang laman ng mga cargo.

Samantala, naglagay naman ng tatlong bagong Astrophysics fixed checked-in baggage scanner at dalawang Astrophysics hand-carry baggage scanners sa Boracay International Airport.

Kaya naman ng mga ito na matukoy ang mga smuggled goods na itinago sa bagahe.

Sinasanay ng BOC ang kanilang mga tauhan upang mas mapabuti ang kanilang
intelligence at enforcement operations capabilities. Ang mga inisyatibong ito umano ay bahagi ng utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Commissioner Yogi Filemon Ruiz na paigtingin pa ang seguridad upang mapigilan ang pagpasok ng mga kontrabando sa bansa.