NABABAHALA si Senate Majority Leader Francis Tolentino sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gulay, partikular na ang luya.
Sa kanyang radio program na “Usapang Tol,” nabigla ang naturang senador na tumaas nang husto ang luya sa presyong P320 per kilo ngayong Lunes.
“P320? It was just P220 last week. That’s incredibly expensive,” bulaslas ng senador.
Para linawin ang lahat, nais ni Tolentino na imbestigahan ng Bureau of Plant Industry (BPI) ng Department of Agriculture upang malaman ang mabilis na pagtaas ng presyo ng luya.
“When you buy fish, it’s natural to buy ginger. Even if fish prices go down, the high cost of ginger offsets it,” paliwanag niya.
Samantala, welcome naman kay Tolentino ang pagpapatupad ng price freeze sa mga lugar na naapektuhan ng pagputok ng Mount Kanlaon sa Negros Island.
Una nang pinanawagan ng mambabatas sa Department of Trade and Industry (DTI) na magpatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin dahil naman sa El Niño.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA