
Uuwing milyonaryo ang isang mananaya mula sa Paranaque City matapos tumama sa 6/42 noong Sabado ng gabi.
Natumbok ng masuwerteng mananaya ang winning combination na 42-03-41-19-01-07 at nanalo ng P32,981,785 ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Para makuha ang tseke, kailangan pumunta ng bettor sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City at ipakita ang winning ticket at dalawang ID cards, ayon sa PCSO.
Nanalo naman ng tig-P24,000 ang 63 mananaya na nakakuha ng 5 lumabas na numero.
Hinimok ni PCSO general manager ang publiko na tangkilikin ang PCSO games upang makalikom ng maraming pondo para sa health programs, medical assistances and services, at charities.
More Stories
KAMARA NAGLABAS NG VIDEO KUNG BAKIT NA-IMPEACH SI VP SARA
8 patay sa sunog sa Quezon City
14-ANYOS NA ESTUDYANTENG TSINOY DINUKOT, PINUTULAN NG DALIRI (Kidnappers pinatutugis ni PBBM)