Natapos ng ipamahagi ni First District Congresswoman Josie Baning Tallado ang tatlong milyong pisong “Congressional Allocation Fund” para sa limang bayan na sakop ng kanyang distrito sa Camarines Norte.
Katuwang ang Provincial Government sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), matapos ang paglagda sa pagitan nina DSWD Regional Director Arnel Garcia at Governor Egay Tallado, naproseso at na-download ang nasabing pondo para sa Unang Distrito at agad na naibigay sa higit na nangangailangan matapos ang kaukulang pagtatasa o validation.
Sila ang kabilang sa tinatawag na poorest of the poor” at hindi pa nakakatanggap ng anumang ayuda mula sa Pamahalaan, sa panahong may pandemya tayong nararanasan.
Nakatanggap ang 600 beneficiaries mula sa 5 bayan ng financial assistance, at batay sa talaan ng tanggapan ni Congresswoman Tallado, ito ay naipamahagi sa mga sumusunod na bayan, pati ang kanilang bilang.
1. Labo – 208
2. Paracale – 100
3. Capalonga – 92
4. Sta. Elena – 100
5. Jose Panganiban – 100
Lubos ang pasasalamat ng mga taga Unang Distrito sa Kinatawan matapos matanggap ng mga ito ang limang libong piso.Hangad pa ng mambabatas na sa pamamagitan ng Financial Assistance, bagamat limitado, ay makatugon sa pangangailangan ngayong may pandemya sa ating bansa.
“Ang mga benipisyaryo nito ay ang mga taong hindi nakasama sa listahan at hindi nakatanggap ng anumang tulong katulad ng Emergency Subsidy Assistance, Unconditional Cash Transfer Program (UCT), Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s), Social Amelioration Program (SAP), #Barangay Ko, Bahay Ko (TUPAD #BKBK), DOLE TUPAD at iba pang ayuda na nagmula sa National Government”, ayon pa kay Congresswoman Josie Baning Tallado. FELIXLABAN
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA