
Nagpapatuloy hanggang sa ngayon ang ginagawang follow-up at manhunt operations ng mga awtoridad ng Bacoor Component City Police Station laban sa anim na hindi pa kilalang mga suspek na lumimas at nagnakaw ng mga iba’t ibang uri ng cell phones at gadgets na nagkakahalaga ng P3.7 milyon sa isang tindahan sa Brgy. Molino 3, sa lungsod ng Bacoor, Cavite na nangyari pasado alas-2:00 ng madaling araw ng Miyerkules, January 15, 2025.
Ayon sa report ng pulisya, sinira umano ng mga suspek ang padlock ng roll up door at binasag din ang salamin na pintoan ng tindahan bago isa-isang nilimas ang mga panindang gadgets at cellphones na may kabuuang halaga na P3,736,433 at isinakay sa kulay puti na motorsiklo bago tumakas sa ‘di pa tukoy na direksyon.
Hiningi narin ang tulong ng Cavite Forensic Unit at Scene of the Crime Operatives para sa ginagawang technical investigation. (KOI HIPOLITO)
More Stories
PROKLAMASYON SA 12 SENADOR, POSIBLE NA SA WEEKEND – COMELEC
DOST Region 1, BPI Foundation matagumpay na naiturn-over ang STARBOOKS sa limang pampublikong paaralan sa rehiyon
LACUNA, NAGPASALAMAT SA MGA MANILEÑO SA PAGKAKATAONG MAGING UNANG BABAE NA ALKALDE NG MAYNILA