UMAABOT sa P3.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa isang babae na tulak umano ng droga matapos masakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) chief PLt. Col. Renato Castillo ang naarestong suspek bilang si Meljorie Felix alyas “Tibo”, 42, ng Barrio Sta Rita, Camaito St. Barangay 188, Tala, ng lungsod.
Sa report ni Castillo kay NPD Director PBGEN Ulysses Cruz, dakong alas-5 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU ng buy bust operation sa Riverside St., Phase 12, Brgy. 188, Tala kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P35,000 halaga ng droga.
Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na umakto bilang poseur-buyer kapalit ng isang large heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu ay agad siyang dinakip ng mga operatiba.
Nakumpiska kay Felix ang humigi’t kumulang 525 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P3,570,000.00, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 34 pirasong P,1000 boodle money at brown sling bag.
Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa section 5, Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA