NASAMSAM ang tinatayang nasa halagang 3.4 Milyon Piso ng mga iligal na droga sa isang High Value Individual (HVI) makaraang magsagawa ng anti-illegal drugs buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Laguna Police Provincial Office at ng San Pablo City Police Station noong araw ng Biyernes, November 3, 2023 sa Barangay San Nicolas ng San Pablo City, Laguna.
Kinilala ang suspek na nagbebenta ng droga na si alyas “Oneng”, 36 taon gulang, residente ng Barangay 176 Bagong Silang sa Lungsod ng Caloocan at nakalista bilang High Value Individual (HVI) sa Laguna.
Base sa ulat ni Police Colonel Harrold P. Depositar, ang Provincial Director ng Laguna PNP kay Calabarzon Regional Director, Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, nabawi sa posisyon ng suspek ang 3 piraso ng self-sealing transparent plastic bags na may laman na 500 grams ng mga pinaghihinalaang shabu at mereon street market value na Three Million and Four Hundred Thousand Pesos. (P3,400.000.00) at ang ginamit na boodle marked money.
Kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act. of 2002 o Republic Act 9165 ang posibleng kaharapin ng suspek. (KOI HIPOLITO)
More Stories
PULIS PATAY SA SAKSAK NG CONSTRUCTION WORKER DAHIL SA SELOS
IKATLONG IMPEACHMENT COMPLAINT ISINAMPA VS VP SARA
ILLEGAL NA PAPUTOK, BANTAY-SARADO NG DTI