INILUNSAD ng National Irrigation Administration (NIA) at Department of Agriculture (DA) ngayong araw ang “Murang Bigas at P29” sa NIA Central Office sa Quezon City.
“Ipinatupad ng admin ng NIA ang rice contract farming at bayanihan efforts kasama ang DA, National Rice Program, at iba’t ibang ahensya para maisakatuparan ang pagbebenta ng murang bigas sa ating mga kababayan,” ayon kay DA Secretary Francisco Laurel Jr. sa kanyang talumpati na idineliver ni Undersecretary Christopher Morales.
Ang P29 per kilong bigas ay mabibili sa “Kadiwa sa NIA” sites sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Caraga regions.
Sa isang public hearing, inihayag ni NIA administrator Eduardo Guillen, na magbebenta sila ng 10 milyon sako o 100 milyon kilo ng P29 ng bigas ngayong buwan.
Ang contract farming program ay isang inisyatiba na naaayon sa bisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na pahusayin ang food security at pagyamanin ang sustainable economic growth sa bansa, na higit pang sumusuporta sa layunin ng Bagong Pilipinas.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA