AABOT sa mahigit P.2 milyon halaga marijuana ang nakumpiska sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Christian Nidera, 18, ng J. Lacson St., Brgy. NBBN at Goerge Sanchez alyas “Bunso” 44, (pusher/listed) ng Upper smoky Tondo, Manila.
Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz, dakong alas-10:27 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna nj PLT Luis Rufo Jr ng buy bust operation sa De Guzman St., Brgy. NBBN kung saang isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P1,000 halaga ng marijuana.
Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng isang transparent plastic sachet ng marijuana ay agad lumapit ang back up na operatiba saka inaresto nila ang dalawa.
Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet at dalawang bricks na naglalaman ng aabot 2,000 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price P240,000.00, buy bust money, P1,000 cash, at dalawang paper bag.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA