November 5, 2024

P21M TANIMAN NG MARIJUANA SINUNOG SA KALINGA

Aabot sa 107,500 fully grown marijuana plants o FGMP na nagkakahalaga ng P21.5 milyon at meron sukat na 6,000 sqm. land area ang sinunog ng magkasanib na puwersa ng PNP at ng PDEA sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa tatlong magkakahiwalay na clandestines cannabis farms sa Kalinga noong umaga ng Martes.

Base sa ipinadalang report ni Cordillera Regional Director PBGen. Ronald Oliver Lee, kay PNP Chief General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang ginawang pagsunog sa tatlong mga plantation o taniman sa lugar ng Loccong, Tinglayan, Kalinga ay nagresulta ng pagkakasira ng humigit kumulang sa 37,500 na mga marijuana sa unang lugar nito na may tinatayang estimated land area na 2,500 square meters at mayroon itong Standart Drug Price (SDP) na worth P7,000.000, habang sa ikalawang lugar naman ay may more or less na 30,000 marijuana plants na may estimated land area na 1500 at halagang P6,000.000 at sa ikatlong site ay may land area na 2,000 square meters na may estimated  value na P8,000.000.

Sinabi naman ni PGen. Eleazar, na aabot sa kabuuan ng 107,500 fully grown na dahon ng marijuana na may din tinatayang 6,000 square meter na total land area ang mga binunot at sinunog sa lugar ng mga awtoridad.

Subalit bigo naman mahuli ang mga nagtatanim at nagbabantay ng mga iligal na halaman ang mga pulis ng isagawa ang pagsunog sa lugar. “Sa pamamagitan ng mas pinatibay at pinalakas na ugnayan ng PNP at PDEA ay makakaasa po ang ating mga kababayan sa mas pinaigting na kampanya natin kontra sa iligal na droga sa buong bansa sa ilalim pa rin ng ating Intensified Cleanliness Policy program ng PNP. Ang mga impormasyon na inyon ipinapaabot sa aming tanggapan ay mahalaga at malaking tulong upang mas lalong mapabilis ang ating pagsasagawa ng operasyon ng ating mga operatiba,” ayon pa sa PNP Chief. (KOI HIPOLITO)