NAGKAKAHALAGA ng 21-milyung piso na mga puslit na sibuyas ang naharang ng Bureau of Customs Port of Cagayan De Oro sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Mindanao Container Terminal Port sa Tagaloan Misamis Oriental ngayong linggo
Sa unang operasyon, nakalagay sa apat na container ang mga kontrabandong puti at pulang sibuyas na nagkakahalaga ng 12-milyong piso at dineklarang ‘spring roll patti’ na mula sa China at naka-consign sa Primex Export and Import Producer.
Naka-consign naman sa Frankie Trading Enterprises ang tatlong shipment na dineklarang “Yung Butter/Dairy Spreads” na natuklasang mga sibuyas nang isalang sa eksaminasyon.
Mayroon nang pinalabas na warrant of seizure and dettention onWSDs sa mga naturang kargamento upang hindi na makalabas ng port at dahil sa paglabag sa RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?