January 19, 2025

P21-M SHABU NASABAT SA 2 HIGH VALUE INDIVIDUAL SA QUEZON

NASASAMSAM sa dalawang suspek na High Value Indviduals (HVI) na mga nagbebenta at nagtutulak ng iligal na droga ang tinatayang nasa humigit kumulang sa halagang 21 Milyon Piso ng mga iligal na droga makaraang mahulog sa inilatag na drug buy-bust operations laban sa mga suspek pasado alas-8:00 ng gabi noong Sabado sa Barangay Guis-Guis ng Talon, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina alyas “Chan-Chan”, 26, courier ng online deliivery app company at si alyas “Michael”, 29, isang barista na parehong residente sa Barangay Malabanban Sur ng Candelaria, Quezon.

Base sa ipinadalang report ni Quezon Police Provincial Police Office (QPPO) Director Police Colonel Ruben Lacuesta kay CALABARZON PRO 4A Regional Director P/Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, inaresto ang dalawang suspek ng bentahan nila ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer ng isang transparent plastic sachet na may laman ng mga pinaghihinalaang shabu kapalit ang halagang P8,000.00.

Narekober  sa posisyon ng mga suspek ang karagdagang apat na piraso ng mga plastic sachet ng mga hinihinalang shabu na may timbang na 1,025 grams ng mga hinihinalang shabu at meron street value na P20,910.000., isang Honda Click scooter motorcycle na meron plakang 7150PB, isang cellular phone at ang ginamit na 8 pcs. na P1,000.00 na buy-bust money.

Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng  kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act.9165 o Dangerous Drugs Act of 2002. (Erichh Abrenica)