Mga Cabalen, inaprubahan ni Pangulong Duterte ang P200 ayuda kada pamilya. Kung magkakagayon, mapunta kaya sa dapat puntahan ang tulong? Ang siste mga Cabalen, gaya ng dati ang sinumang bibigyan nito ay dadaan sa listahan ni kupitan este kapitan.
Panibagong gulo na naman ito. Mahaba at maghapong pilahan ng mga kababayang mahihirap. Paano ang sistema nito? Gaya ng sino -sino ang pwedeng bigyan at ano ang requirements? Kung matuloy ito, natitiyak kaya nating makarating ito sa mga nangangailangan? May punto si Sen Bongbong Marcos.
Aniya dapat may probisyon ang oil subsidy, sapagkat kailangang matiyak na makarating ang tulong sa mga tao. Ang tanong gaano kalayo ang mararating dalawang daang piso? Napakahirap ng kalagayan nating mga Pinoy.
Pinag-uusapan na rin lang ang ayuda, alam ba ninyong nadismaya ang mga taga-Barangay 28 sa Caloocan City nitong Miyerkules? Ayon sa ating kapitbahay, nagpatawag daw ang mayor ng mga residente dito upang tumanggap ng bigas na kanyang ipamimigay. Naku! Umuwing luhaan ang mga galit na residente dahil wala naman daw ipinamigay na bigas gaya ng ipinakalat na balita.
Nag-speech lang daw itong si yormeng kahel at anak na tatakbo kaya ganun na lamang ang galit ng mga ito. Kanya-kanyang estilo lamang po. Pero, kung ramdam mo na ang pagkatalo dapat wag na gumimik pa.
PRESIDENTIABLE NA AYAW SUMALI SA SURVEY
Alam ba ninyong may isang presidentiable na ayaw nang sumali sa survey sapagkat tanggap na ‘di umano nito na wala na itong panalo sa mga katunggali? Kung sa bagay hindi naman naniniwala si Sen Manny Pacquiao sa survey at ‘di daw siya papatinag. Tuloy daw ang laban.
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!