
MAAARI nang makabili ang mga residente ng Navotas ng dekalidad na bigas sa halagang P20.00 lamang kada kilo, kasunod ng paglulunsad ng P20 Rice Project ng Department of Agriculture (DA) sa lungsod.
Sa pamamagitan ng inisyatiba, ang bigas ay mabibili sa abot-kayang presyo ng mga mahihinang sektor, kabilang ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at solo parents. Ang bawat tao ay maaaring bumili ng hanggang 10 kilo ng bigas kada linggo.
Opisyal na inilunsad ang programa sa Kadiwa Center sa Navotas City Hall at sa Agora Market, na may paunang 75 sako mula sa DA.
Ang programa ay naglalayong sugpuin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng pagkain at tiyakin ang food security sa mga pinaka-apektadong populasyon.
Ang P20 Rice Project ay ipinatutupad ng DA sa pamamagitan ng Food Terminal Inc. (FTI), katuwang ang mga local government units.
Nagpahayag naman ng buong suporta si Mayor John Rey Tiangco sa programa.
“We thank President Bongbong Marcos and the Department of Agriculture for making this possible. Sa halagang P20 kada kilo, makakasigurado tayong hindi lang mura kundi de-kalidad na bigas ang mabibili ang bawat Navoteño, lalo na ang nasa vulnerable sectors.” dagdag niya.
More Stories
Mayor Kit Nieto, Naghain ng Solusyon sa Paulit-ulit na Baha sa Celso Tuason Avenue
4 TIMBOG SA ₱3.4M DROGA SA RODRIGUEZ, RIZAL
‘WALANG ATRASAN!’ — KAMARA DI BIBITAW SA IMPEACHMENT KAY VP SARA!