
Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark ang nasa P2.53-M na halaga ng high-grade marijuana o kush.
Sa report ng BOC-Port of Clark, ang nadiskubreng illegal drugs ay mula sa Kentucky, USA na idineklara bilang men’s t-shirts, trousers, at wind breakers.
Hinarang ang shipment matapos sumalang sa x-ray inspection, saka isinailalim sa pagsusuri ng PDEA K9 unit, kung saan tumibay ang hinala na may presensya ito ng iligal na droga.
Agad nagsagawa ng physical examination na nagresulta sa pagkakadiskubre sa tatlong jog-sealed bags kung saan itinago ang kush.
More Stories
VP SARA DUDA SA TIMING NG P20/KILO NG BIGAS ROLLOUT: PANAHON NG ELEKSYON? MEDYO KAHINA-HINALA
PBBM bumuo ng 3-man panel para tiyakin ang tuloy-tuloy na pamahalaan habang nasa abroad
Huwag gamitin ang mukha ng katutubo para sa pansariling interes