December 27, 2024

P2.4-M SMUGGLED FUEL NASABAT NG BOC-LIMAY

NASABAT ng Bureau of  Customs – Port of Limay ang truck na may kargang 40,000 litro ng smuggled na langis na nagkakahalaga ng P2.4 milyon.

Noong Oktubre 5, 2023 ng umaga, pinangunahan ni Acting District Collector Guillermo Pedro Francia ang operasyon sa isang truck na kargado ng langis na nagtangkang dumaan sa checkpoint, subalit nang pinahinto ay wala itong naipakitang kaukulang dokumento.

Kaagad inatasan ni Collector Francia ang Port of Limay Enforcement and Security Service (ESS) na magsagawa ng field test sa langis sa nasabing trailer tanker.

“Fail” ang naging resulta ng pagsusuri, dahilan para magsagawa pa ng mas malalimang imbestigasyon ang ESS – Customs Police Division (CPD). Pagkatapos ng berepikasyon sa paunang resulta ng pagsusuri ay agad kinumpiska ang smuggled fuel na umabot sa 40,000 litro na nagkakahalaga ng P2.4 milyon.

Binigyang-diin ni Colletor Francia ang kanilang pangako sa pagpapalakas ng anti-smuggling campaign sa pamamagitan ng pagpapatupad ng regular na checkpoints sa kanilang area of jurisdiction. Layunin ng pagsisikap na ito na ma-detect at mapigilan ang illegal transport ng mga kalakal, tiyakin ang proteksyon ng economic interests ng bansa at pagpapatupad sa batas.

He further added that buyers of such unmarked fuel run the risk of not only losing the illegally imported fuel they bought but also the truck carrying the fuel, which is valued at around P5 million.

Samantala, pinuri naman ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio si Collector Francia at ang Port of Limay dahil sa kanilang aktibong pag-monitor at pagpapatrol sa mga hangganan ng bansa laban sa ilegal na kalakalan. “The Bureau of Customs remains steadfast in its dedication to thwarting illegal smuggling operations and safeguarding the nation’s economy. This successful ope­ration reflects the unwavering commitment of our dedicated personnel,” ayon pa kay Commissioner Rubio.