September 8, 2024

P2.15/KWH DAGDAG  SINGIL NG MERALCO

Kung may rollback sa oil products – umento naman ang aasahan sa kuryente.

Abiso sa mga konsyumer ng MERALCO, naka-amba ang taas-singil sa inyong July billing.

Aabot kasi sa P2.15/kwh ang idaragdag sa presyo ng kuryente.

Ibig-sabihin, kung ang inyong tahanan ay kumonumo ng 200kwh – may idaragdag na P430 sa inyong bill.

P645 naman sa kumonsumo ng P300kwh; P860 na umento sa 400kwh; at P1,075 sa naka-consume ng 500kwh.

Bunsod pa rin ito sa pagsipa ng presyo ng kuryente sa spot market, maliban pa sa unang ‘installment’ na dagdag-singil.