NAGING matagumpay ang isinagawang joint-narcotics operation ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) nitong Oktubre 4, matapos masabat ang 278 kilo ng shabu na nagkakalahaga ng halos P2.1 bilyon sa Manila International Container Port (MICP) sa Tondo, Maynila.
Ayon sa BOC, narekober sa loob ng container cargo ang 277,250 gramo ng shabu na idineklara bilang Laminated Jerky Beef na naka-consign sa Salesbeat Within OPC.
Nadiskubre ang kilo-kilo ng droga dakong alas-10:0 ng umaga sa Designated Examination Area ng Container Facility Station 3 ng MICP sa Tondo.
Natagpuan ang droga na nakalagay sa loob ng 450 box na naglalaman ng 1,109 piraso ng Cling Wrap at Carbon Paper Wrap.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA