CALAMBA CITY, LAGUNA – Nalambat ng Calamba City Police Station at ng Laguna Provincial Intelligence Unit ang dalawang High Value Individual (HVI) na mga nagbebenta ng iligal na droga at nasamsam ang halagang 190 Milyon Piso ng mga pinaghihinalaang shabu sa isinagawang anti-illegal drug buy bust operation bandang 3:19 ng hapon kahapon sa Ciudad Verde Purok 2, Brgy. Makiling ng nasabing bayan.
Kinilala ang mga suspek na sina Dona Gali alyas “Madam”, 37, residente ng Blk.25 Lot 5 Tennisse Subdivision, Brgy. San Pablong Nayon ng Sto. Tomas City, Batangas at si John Erwin Cadilina alyas “Erwin”, 37, residente ng Number 233 Larino Street, Brgy. Lecheria sa Calamba City, Laguna.
Base sa ipinadalang report ni Police Lieutenant Colonel Milany E. Martirez kay Laguna Provincial Police Office (LPPO) Director Police Colonel Randy Glenn Silvio, nakipagtransaksyon ang dalawang suspek sa dalawang undercover agent na nagpanggap na bibili ng isang plastic sachet ng iligal na droga kapalit ang halagang (P60,000.) at ng magpositibo ang transaksyon ay agad ng inaresto ang mga suspek at nasamsam din sa sa posisyon ni Gali ang isang sling bag na naglalaman ng pitong libong piso (P7,000.), isang cellular phone, apat na piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng mga hinihinalang shabu, isang knot tied plastic na naglalaman ng mga hinihinalang shabu, habang nadiskubre naman sa sling bag ni Cadilina, ang P60,000. na ginamit na buy bust money at halagang isang libong piso.
Agad naman ininspeksyon ng mga otoridad ang isang Toyota Hi-Ace Van na may plakang DAU 4569 na ginamit na sasakyan ng mga suspek at tumambad sa mga pulis ang 24 piraso ng self sealing transparent plastic na naglalaman ng mga hinihinalang shabu na may bigat na Twenty Eight (28) kilo grams at nagkakahalaga ng One Hundred Ninety Million and Four Hundred Thousand Pesos (P190,400,000.)
Pansamantalang nakaditine ngayon sa Calamba City Custodial Facility ang mga suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5, 11 and 26 under Article II ng Republic Act. 9165 o (Dangerous Drugs Act. Law of 2002) sa Calamba City Prosecutors Office. (KOI HIPOLITO)
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON