Isang bagahe na ilang buwan nang abandonado sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang nadiskubreng naglalaman ng 2.8 kilos ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P19 million.
Ayon sa bagong talaga na si Customs-NAIA district collector Atty. Yasmina Mapa, dumating ang bagahe sa NAIA terminal 1 noong Disyembre 24, 2022 mula sa Addis Ababa International Airport sa Ethiopia at nakarating ng Pilipinas sa pamamagitan ng connecting flight mula Bangkok, matapos abandonahin ng may-ari nito ang nasabing bagahe.
Ayon kay Mapa ang bagahe ay pagmamay-ari ng isang nagngangalang Norman Penaflor at sumailalim sa X-ray scanning kung saan nakita ang imahe ng illegal na droga na nakahalo sa lumang damit. Nang suriin, natuklasan na naglalaman ito ng higit sa 2.8 kilo ng shabu.
Bukod sa mga damit, naglalaman din ang bagahe ng mga bag, pantaloon at range tools. Ang naturang shabu ay nagkakahalaga ng P19 milyon.
Dinala ang nasabat na droga sa Philippine Drug Enforcement Administration (PDEA) para sa proper disposal.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan