December 21, 2024

P17-M SMUGGLED SIBUYAS NA INIHALO SA UKAY-UKAY NASABAT NG BOC

Matalino man pero bigo pa rin.

Nabisto ng Bureau of Customs (BOC) ang tangkang pagpuslit ng P17 milyon halaga ng dilaw na sibuyas na itinago sa ukay-ukay na damit at mga gamit sa bahay.

Bistado ng Bureau of Customs (BOC) ang tangkang pagpuslit ng P17 milyon halaga ng smuggled na dilaw na sibuyas na itinago sa sa ukay-ukay na damit at mga gamit sa bahay.

Lumalabas sa report ng BOC, na naglabas ang Customs Intelligence and Investigation (CISS) ng alert orders noong nakaraang Disyembre 22, 2022 para sa tatlong container na nanggaling sa China na ang consignee ay ang SB Express Logistics and Business Solution Inc.

Sa ginawang pag-iinspeksyon, nasabat sa tatlong container na nakadaong sa Port of Manila ang mga sibuyas na nakahalo sa ukay-ukay at iba pang gamit sa bahay.

Isinagawa ang report habang umalis si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Pilipinas para sa tatlong araw na state-visit sa China.

Hiniling ng mga magsasaka kay Marcos na talakayin sa China ang lumalalang smuggling ng agricultural products, kasama na nga rito ang sibuyas.

Ayon sa BOC at CIIS, na plastic buckets, damit, sapatos, pinggan at cat litter lamang ang nakadeklara sa kargamento.

Dismayado naman si BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz, dahil sa gitna ng pagbabayad ng tamang buwis ng ilang mga negosyante para makapagpasok ng produkto ay marami pa rin ang nagpapasok ng milyon-milyong halaga ng smuggled products sa iligal na proseso.