KULUNGAN ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P160K halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Obet, 45, alyas Bosho, 36, at alyas Bok, 50, pawang residente ng lungsod.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-11:00 ng gabi nang maaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Camus Street, Brgy. Ibaba.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 23.7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P161, 160.00 at buy bust money
Ayon kay Col. Baybayan, bago ang pagkakadakip sa mga suspek ay unang nakatanggap ng impormsyon ang SDEU hinggil sa kanila umanong ilegal drug activities kaya isinailalim sila sa validation.
Matapos magpositibo ang report, ikinasa ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA