MAHIGIT 30,000 sako ng refined sugar na nagkakahalaga ng P150 milyon ang nasabat ng Bureau of Customs sa Subic Bay Freeport Zone sa Olongapo City nito lamang Marso 2.
Pinangunahan ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio kasama sina District Collector Maritess Martin, Agriculture Assistant Secretary James Layug, at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman at Administrator Rolen C. Paulino ang pagsusuri sa 58 40ft container van lulan ang misdeclared refined sugar.
Tiniyak ni Rubio na mas paiigtingin pa ng Customs ang kampanya laban sa smuggling lalo na ang iligal na pagpasok ng mga produktong agrikultura na lubhang nagpapahirap sa mga lokal na magsasaka at maliliit na negosyante.
Kasabay nito, natuklasan din ng ahensya ang dalawang container ng squid rings kung saan nakatago ang iba’t ibang frozen meat product na hindi idineklara na nagkakahalaga ng P40 milyon.
Kaya’t maglalabas ng kautusan ang BOC para kumpiskahin at hindi na makalabas pa ang naturang meat products. “A warrant of seizure and detention shall be issued against the subject containers for violation of Section 1400, about Section 1113 (f) of the Republic Act 10863 or the Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), and Sugar Regulatory Authority and BOC Joint Memorandum Order No. 04-2002, ayon sa ulat.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA