Ininspeksyon ng Bureau of Customs (BOC) ang anim na warehouse sa loob ng Metro Manila, kung saan nadiskubre ang P150 milyon halaga ng agricultural products, kabilang ang frozen meat at mga sariwang prutas.
Pinangunahan ang nasabing mga operasyon ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), Enforcement and Security Service-MICP (ESS-MICP) at ESS-Quick Reaction Team (ESS-QRT), matapos maglabas ng Letters of Authority (LOAs) si Customs Commissioner Bien Rubio.
On Wednesday, April 12, 2023, the Bureau of Customs (BOC) conducted a series of inspections on six warehouses across Metro Manila, which led to the discovery of P150 million worth of agricultural products, including frozen meat and fresh fruits. “Right now, our team is a well-oiled machine running after these smuggling groups. The operations yesterday showed how our officers work day and night to make sure these products will not make it to our local markets,” saad ni Commissioner Rubio.
Pinuri naman ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymas Uy si Commissioner Rubio para sa mabilis nitong pag-isyu ng LOAs, na nagpapahintulot sa kanila na aksiyonan agad ang kanilang natanggap na impormasyon.
Isinailalim ang anim na bodega sa inspeksyon na matatagpuan sa Caloocan, Maynila at Navotas.
Bagama’t walang laman ang warehouse sa Navotas pero sadyang itinayo para gamiting cold storage facility.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan