NANAWAGAN ang isang senior lawmaker sa Energy Regulatory Commission (ERC) na tanggalin na ng Manila Electric Co. (Meralco) ang paniningil sa mga consumer ng P15 convenience free para sa online transaction,
Nanindigan si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na dapat itigil ang “nickel-and-diming” nito sa mga consumer gamit ang kanilang online portal para bayaran ang monthly bills.
“Meralco is nickel-and-diming its 7.9 million customers with the extra charge on top of their actual electricity bills,” saad ni Pimentel, vice chairperson ng House committee on legislative franchises.
Paliwanag pa nito na ang “nickel and dime” ay isang pricing scheme kung saan ang isang negosyo ay kumukolekta ng extra small fees para sa umano’y additional service at malaking pera ang mabubuo kung pagsasama-samahin.
“Meralco claims that the convenience fee goes to its payment partner, CIS Bayad Center Inc. However, Bayad Center, which is engaged in the bills payment collection business, is actually 95 percent-owned by Meralco itself,” ani Pimentel.
“Thus, there is no separate Meralco partner. It is Meralco itself ultimately collecting the convenience fee,” dagdag pa niya.
Hinimok niya ang ERC na pilitin ang Meralco na ibasura ang convenience fee, na dagdag pasanin sa mga customer na dumadaing na dahil sa mataas na utility bill at inflation,
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA