December 26, 2024

P144.3M HALAGA NG SHABU NASABAT SA NAIA

NASAMSAM ng mga awtoridad ang P144.3 na milyon na halaga ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport, Pasay City.

Ayon sa statement, nasabat ng Bureau of Customs (BOC) Port of NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-agency Anti-Illegal Drugs Task Group nitong Biyernes ang 21.215 kilo ng shabu  mula sa pasaherong South African, na agad inaresto.

Tiniktikan ng BOC, NAIA at PDEA ang galaw ng suspek gamit ang “advance intelligence information.”

Ang naturang dayuhan ay nagmula sa South Africa patungong Qatar hanggang sa makarating ito sa bansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dayuhang suspek at isinailalim sa inquest dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) No. 9165 o ang Comprehensive Drug Act, at RA 10863 na mas kilala na Customs Modernization And Tariff Act (CMTA)