ARESTADO ng Bureau of Investigation ang isang empleyado ng Philippine Sports Commission (PSC) matapos umanong ibulsa ang P14.4 milyon na allowance ng mga atleta at coaches.
Kinilala ang suspek na si Paul Micheal Padua Ignacio na nakakulimbat na raw ngĀ P14,448,254.35 mula August 2015 hanggang May of 2020.
Si Ignacio ay nakatakdang iprisinta sa inquest proceedings dahil sa paglabag sa Article 310 na may kaugnayan sa Article 309 ng revised penal code (RPC) o Qualified Theft.
Ito ay sa pamamagitan ng paglabag ng suspek sa Article 172 ng RPC o Falsification of Public Documents at paglabag sa R.A. 10175 Cybercrime Prevention Act of 2012.
Sinabi ni NBI Officer-In-Charge Eric B. Distor na pineke ni Ignacio ang payroll register ng mga atleta at coaches at ihinulog ang kanilang mga allowance sa kanyang bank account.
Ayon kay Distor, nag-ugat ang pag-aresto sa suspek sa liham na ipinadala ng PSC na nagpapatulong para imbestigahan ang sinasabing fraud na isinagawa ng PSC employee.
Nakalagay din dito na nagpadala ang Land Bank of the Philippines (LBP) ng sulat kay PSC OIC Merlita R. Ibay kaugnay ng unusual payroll transactions na naihuhulog sa account ni Ignacio.
Ang suspek ay empleyado ng PSC-Personnel Office na naatasang gumawa ng payroll para sa buwanang allowance ng mga kuwalipikadong atleta at coach.
Kahapon, July 14, 2020 nang magsagawa ang NBI-Special Action Unit (NBI-SAU) na imbestigasyon sa PSC Office .
Dito nadiskubreng sa buwan ng Hunyo ay isinama niya sa payroll ang tatlong unqualified coaches at tatlong unqualified athletes na may kabuuang allowance na P450,150.
Ang naturang allowance ay ihuhulog daw sa kanyang payroll account.
Kahapon din nang arestuhin ang suspek sa kanyang opisina sa PSC, Manila.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA