November 3, 2024

P14.3B BENEFITS PARA SA HEALTH WORKERS, NAIPAMAHAGI NA – DOH

Naibigay na nitong Setyembre 3 ng Department of Health ang P14.3 bilyong halaga ng mga benepisyo para sa mga health workers.

Ito ay sumasaklaw sa panahon ng Setyembre 15 hanggang Disyembre 19, 2020 (Period 1) at Disyembre 20, 2020 hanggang Hunyo 30, 2021 (Period 2)

Para sa Period 1, P6.4 bilyon ang naibigay na kumakatawan sa mga aktibong hazard duty pay para sa 384,159 healthcare workers at special risk allowance (SRA) para sa 306,314 mga manggagawa sa pangangalaga ng kalusugan .

Para sa meals, accommodation, at transportation (MAT) allowances, 103,096 healthcare workers ang nakatanggap ng MAT na halagang P990.9 milyon.

Bilang karagdagan para sa Period 2, P6.9 bilyong halaga ng SRA ang naibigay para sa SRAs ng 379,117 healthcare workers.

Dagdag dito, 32,281 mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan ang saklaw ng life insurance na nagkakahalaga ng P16 milyon.

Iniulat din ng DOH na P 570 milyong halaga ng tseke ay nai-release na sa 24,034 healthcare workers bilang  COVID-19 sickness at death compensation.

Ang mga healthcare workers mula sa parehong pampubliko at pribadong mga pasilidad sa kalusugan na nagsisilbi sa mga pasyente ng COVID-19 ay mga nakikinabang sa mga benepisyong ito.

Tulad ng nakasaad sa mga guidelines, ang DOH sa pamamagitan ng Centers for Health Development (CHD) ay pumasok sa isang Memorandum of Understanding ng health facilities upang ligal na maibawas ang mga benepisyong ito.

Ang mga pasilidad na pangkalusugan ay responsable para sa pagpapahatid ng mga ito sa mga empleyado at pagsusumite ng isang ulat sa likidasyon pagkatapos.

“Maliwanag sa amin ang sakripisyo ng mga medical frontliners. Within the DOH family includes 72 hospitals with more than ten thousand medical frontliners. They, like many others, put their lives at-risk every day in order to serve patients from all over the country and from all walks of life.

Kaya sinisiguro namin na maibigay ang benepisyo sa pinakamaagang panahon, at ipaglalaban talaga namin ang budget para sa patuloy na pagkakaroon nitong mga benepisyo sa susunod na taon,” pahayag ni Secretary Francisco Duque III.