Pinangunahan nina Philippine Drug Enforce Agency Director General Wilkins Villanueva (pangatlo mula kaliwa), Court Administrator Midaz Marquez (pang-apat mula kaliwa), Philippine National Police Chief General Archie Gamboa (pang-apat mula kanan), at Dangerous Drug Board Chairman Secretary Catalino Cuy (pangatlo mula kanan) ang pagwasak at pagsunog sa dalawang tonelada ng shabu na nagkahalaga ng P13.36 Billion pesos na ginanap sa Thermal Decomposer Facility sa Bgy. Aguado sa Trece Martires, Cavite. Ang mga ilegal na droga ay nakumpiska sa magkaibang bahagi ng Bulacan at Cavite. (DANNY ECITO)
AABOT sa 2.1 tonelada ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P13.35 bilyon ang winasak sa Integrated Waste Management Inc. facility sa Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite kahapon.
Pinangunahan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general Wilkins Villanueva ang pagsunog sa mga nasabat na droga.
Ito na aniya ang pinakamalaking bulto ng ilegal na droga na nawasak sa ilalim ng administrasyong Duterte.
“I would like to extend my gratitude and sincere appreciation to the Philippine National Police (PNP), other law enforcement units and regional trial courts… for the expeditious disposition of these illegal drugs that are no longer needed as evidence in court,” wika ni Villanueva.
Sinunog sa pamagitan ng thermal decomposition ang tinatayang 1.9 tonelada ng shabu na may halagang P13.18 bilyon, 21,606.12 gramo ng ephedrine (P108.03 milyon), 9,213.28 gramo ng cocaine (P48.83 milyon), 3.240.01 gramo ng ecstasy (P11.01 milyon), 77.921.71 gramo ng marijuana (P9.35 milyon), 400 milliliters ng liquid shabu (P816,000), 10.05 gramo ng methylephedreine (P16,080), 55.45 gramo ng diazepam (P4,297.38), 1.05 gramo ng ketamine (P5,250) at 4.48 gramo ng methylenedioxyamphetamine (P72.58).
Nasa kalahati ng nasabing ilegal na droga na nasamsam ng anti-narcotics agent, kabilang na ang 827.1 kilos ng sjabu na nagkakahalaga ng P5.62 bilyon na nakumpiska sa isinagawang pagsalakay sa isang warehouse sa Bulacan nitong Hunyo at 371.98 kilo ng shabu na may halagang P2.52 bilyon ang nasabat sa Cavite sa parehong buwan.
Ayon kay Villanueva, ang naturang pagwasak ng droga ay pagsunod sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.
“We want to assure the public that PDEA as the lead agency in the national anti-drug campaign, adheres to transparency and gives credence to accountability that strictly follow existing laws and rules to dispel the public notion that these illicit items are being reused, recycled or sold back in the streets,” pagtitiyak ng opisyal.
Dumalo rin sa ceremonial destruction sina Court Administrator Jose Midas Marquez, Dangerous Drugs Board chairman Secretary Catalino Cuy at PNP chief Gen. Archie Gamboa.
Sa circular na inilibas noong nakaraang buwan, pinaalalahanan ni Marquez ang mga hukom na may hawak ng kasong drugs na mahigpit na sundin ang probisyon ng batas sa pagsira ng mga nakukumpiskang droga.
“Those illegal drugs have to be destroyed right away… para hindi mapalitan, hindi bumalik sa illegal trade,” saad niya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY