November 3, 2024

P12 TRILLON UTANG NG ‘PINAS

Kinumpirma ng Bureau of Treasury (BTr) na umabot na sa P12.03 trillion ang utang ng pamahalaan sa pagtatapos ng buwan ng Enero 2022.

Tumaas ito ng P301. 12 billion o 2.6 percent ng utang panloob at panlabas ng Pilipinas.

Ayon pa sa BTr, ang domestic debt ng bansa ay nasa P8.37 trillion na mas mataas ng 2.4 percent kumpara sa pagtatapos ng December 2021

Habang ang utang panlabas o external debt ng pamahalaan na P3.66 trillion ay mas mataas ng 2.9 percent mula sa buwan ng Disyembre.

Bunga anila ito ng pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.