NANINIWALA si Education Secretary Sonny Angara na tutugunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang P12 bilyon na tapyas-pondo sa Department of Education (DepEd).
Ibinahagi ni Angara ang kasiguraduhan ni Marcos noong Linggo (Disyembre 15) matapos niyang ipinahayag ang pagkadismaya sa desisyon ng bicameral conference committee na bawasan ng P12 bilyon ang badyet ng DepEd at P30 bilyon mula sa Commission on Higher Education (CHED).
“After all the promises and nice words sadly Congress cut the President’s proposed budget for @depedphilippines, particularly 10B for computerisation. This despite the President @bongbongmarcos SONA where he asked Congress to help bridge the digital divide,” ayon kay Angara sa Instagram post.
“Budgeting is really about priorities and education is too important to not be a funding priority. Pero ang maganda dito mismo nang si PBBM ang nagsabi sa amin na reremedyohan niya ito,” dagdag niya.
Bagaman inamin ni Angara na ang badyet ng DepEd sa 2025 ay magiging mas mataas kaysa sa kasalukuyang alokasyon nito, sinabi niya na ang halagang inilaan para sa mga serbisyong pang-personal ay hindi pa rin sapat.
“In past years Congress has increased the President’s proposed budget for deped and education. For whatever reason- nakakalungkot na Di Ito mauulit sa 2025 budget,” aniya.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA