November 19, 2024

P12.5-M ILLEGAL NA DROGA ITINURNOVER NG BOC SA PDEA

Ibinigay kamakailan ng Bureau of Customs – Port of Clark sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pangangalaga sa nakumpiskang P12.5 milyong halaga ng ibat-ibang droga.

Nasabat ang mga droga sa 12 shipments simula noong Marso hanggang ngayon buwan.

Nabatid na nadiskubre ang mga droga sa pamamagitan ng mandatory x-ray inspections, profiling ng mga kargamento, pinaigting na intelligence operations at tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa PDEA at iba pang kinauukulang ahensiya.

Kabilang sa mga droga na napasakamay ng PDEA ay 4,012 piraso ng ecstasy pills na nagkakahalaga ng P6.9 milyon na nagmula sa Paris, France , gayundin ang P4.3 milyong halaga ng kush na mula naman sa California, USA.

May dalawa pang shipments ng kush na mula sa Canada at marijuana capsules, marijuana pouches, marijuana gummies at iba pa.