
Lalo pang tumaas ang outstanding debt ng national government.
Ayon sa Bureau of Treasury (BTR), hanggang noong katapusan ng Pebrero ay pumalo sa P12.09 trillion ang utang ng Pilipinas.
Ito ay mas mataas ng bahagya kompara sa P12.03 trillion record noong Enero ng kasalukuyang taon.
Dagdag ng BTR, tumaas ang utang ng Pilipinas noong nakaraang buwan dahil sa humina ang halaga ng piso kontra dolyar.
More Stories
FIL-AM LAUREN MERCADO PAKITANG-GILAS SA SM PICKLEBALL MOA POWER TOUR
Pekeng ‘dentista’ nadakma ng CIDG Batangas
Baril nakumpiska sa tambay