Kumpirmadong cocaine drugs ang nasuyod nang lambat ng isang mangingisda sa karagatan malapit sa Bgy Tangbo, Arteche Eastern Samar.
Sa ginawang pananaliksik ng forensic examination ng PNP, ang nasabing cocaine ay mahigit kumulang 21 kilos, nagkakahalaga ng P111.857 Milyon piso
Ayon sa report ng pulisya ang cocaine ay nalambat ng mangingisda Marso 8, 2024, pasado alas 11:00 ng umaga. Nasa dalawang bungkos ng plastic ang nalambat ng naturang mangingisda sa baybayin ng Tangbo, Arteche.
May markang ZZZ sa kanyang pakete, ayon sa pulisya palatandaan Los Zetas, na ipinapasok ng Mexican criminal syndicate.
Pinagkalooban naman ang mangingisda ng PNP sa pamamagitan ni DRD for Administration PBGEN Owen Andarino ng halagang P30 thousand pisong pabuya, magbibigay rin si Mayor Roland Boie Evardone, LGU Arteche ng P50K sa mangingisda.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA