Pinag-aaralan ngayon ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo ang pagbibigay ng P1,000 pabuya sa mga makakatulong sa kanila na makapagbigay ng impormasyon tungkol sa mga hindi karapat-dapat na beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa kanyang pahayag, sinabi niya na magiging parte ito ng paglilinis niya ng listahan ng 4Ps na diumano’y napasok na ng mga hindi karapat-dapat na beneficiary.
Ayon sa kanya ay uumpisahan niya ang pagbibigay ng pabuhay sa mga informant kapag nagpatuloy parin ang reklamo tungkol sa mga 4Ps beneficiary.
“Siguro after that, kapag may narinig pa rin tayong mga kababayan nating nagrereklamo, pasisimulan na natin ang pagbibigay natin ng reward na ₱,1000 sa mga tipster,” ani Tulfo.
Ibinahagi din nito na inuulan na sila ngayon pa lamang ng reklamo ngunit may ilan din silang mga natanggap na impormasyon na hindi totoo.
Matatandaan na nangako si Tulfo na aabot sa isang milyon ang mawawala sa listahan ng 4Ps.
Ilang ulat kasi ang kumakalat na ang ilang beneficiary ay guminhawa na ang buhay ngunit may ilan na mas malala pa ang ginagawa. May ilan naring mga beneficiary ng 4Ps ang nahuli na ginagamit sa mali ang kanilang perang natatanggap katulad ng pagsusugal at pagbili ng ipinagbabawal na gamot.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA