December 25, 2024

P1,000 MULTA SA JAYWALKING, HINDI MAKATAO – TRANSPORT ADVOCATES

SINOPOLA ng transport advocates na AltMobility PH ang panukala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gawing P1,000 ang multa sa jaywalking sa kahabaan ng EDSA at C5.

Pinalutang ni MMDA chairperson Romando Artes ang ideya sa isang press briefing ngayong araw, matapos ang maikling pagpupulong sa Metro Manila Council.

“For now, the [penalty] is at P500. We are looking to [increase it to] P1,000,” saad ni Artes.

“Then we will include seminars on the penalty so it would be planted in their minds, more than the monetary penalty.”
Hindi pa naman ipinapatupad ang nasabing panukala dahil kakailanganin pa ito ng konsultasyon. Gayunpaman, ilang transport advocates ang nagpahayag ng kanilang pagkabahala kaugnay sa naturang hakbang.

“This is inhumane and out of touch with the realities of pedestrians and vulnerable road users, who are the majority of Filipinos,” ayon sa AltMobility PH. “This proposal—and moreover, the very idea of penalizing the act of crossing the street—contradicts the government’s promise of promoting active transportation as a means to improve mobility, and privileges the minority who use private motorized vehicles.”

Imbes na taasan ang multa, sinabi ng grupo na dapat gumawa ng paraan ang gobyerno para matugunan ang pangangailangan ng nakararami.

Kabilang sa rekomendasyon ng AlthMobility PH ay ang paglalaan ng maayos na imprastraktura tulad ng “at-grade” street-level) crossings, sidewalks at segregated lanes uapng suportahan ang aktibong transportasyon at matiyak ang kaligtasan ng mga gumagamit sa kalsada tulad ng pedestrians, matatanda at mga bata.