January 19, 2025

P1,000 MONTHLY FUEL SUBSIDY SA MGA MANGINGISDA, ISINUSULONG

Isinusulong na sa mababang kapulungan ng Kongreso ang pagbibigay ng buwanang fuel subsidy sa mga mangingisda sa bansa.

Nakapaloob sa House Bill 8007 o ang “Pantawid Pambangka Act of 2023” na bigyan ng ₱1,000 kada buwan ang mga mangingisda sa layuning tumaas ang kanilang produksyon.

Sa nasabing panukala, pangangasiwaan ng Department of Agriculture (DA) ang monthly subsidy program kung saan maaari rin nilang baguhin ang halagang tatanggapin ng mga benepisyaryo kada taon alinsunod na rin sa inflation.

“Despite the fishing sector’s major contribution, our fishermen continue to be among the fundamental sectors’ poorest people. Hindi po makatarungan na kung sino pa ang producer ng pagkain, sila pa ang napapabayaan at pinaka-naghihirap,” sabi ni AGRI Partylist Rep. Wilbert Lee, may-akda ng panukala.

Idinagdag pa na kung maisasabatas na ito, magiging miyembro na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga benepisyaryo.