Naghahanda na ang administrasyong Marcos sa paglulunsad ng isa pang round ng cash aid sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) program.
Layon nito na pagaanin ang pasanin ng mga consumer sa gitna ng patuloy na mataas na inflation rate.
“Right now, we’re considering the two-month subsidy for consumers,” ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno sa sidelines ng 2023 Annual Reception for the Banking Community, araw ng Biyernes sa Maynila.
Aniya, ang TCT program para sa mga consumers ay ilulunsad sa lalong madaling panahon lalo pa’t natukoy na ng pamahalaan ang funding source.
“We’re just waiting for the announcement from the Palace,” ani Diokno.
Tinatayang may 9.3 milyong “poorest of the poor” ang makatatanggap ng P1,000 na hahatiin para sa distribusyon sa loob ng dalawang buwan.
Ang kabuuang budget para sa cash aid ay pumalo sa P9.3 bilyon idagdag pa ang 5% administration cost.
Sa ulat, umakyat sa 8.7% ang headline inflation rate sa bansa nitong January 2023 ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mataas ito sa 8.1% na naitala noong December 2022.
Pangunahing sanhi ng mataas na inflation rate noong nakaraang buwan ang mabilis na pagtaas ng presyo ng housing, water, electricity, gas at iba pang fuel; food and non-alcoholic beverages lalo na ang sibuyas.
Tumaas din ang antas ng inflation sa National Capital Region na may headline inflation na 8.6% mula sa 7.6%.
Sa labas ng Metro Manila, nananatiling may pinakamataas na inflation ang Western Visayas o region na may 10.3% habang ang Eastern Visayas naman o region 8 ang may pinakamababang naitala na may 6.9% inflation rate.
Para sa ekonomista na si Professor Carlos Manapat, dapat pag-isipan na ng pamahalaan ang umento sa minimum na pasahod sa mga manggagawa na naglalaro ngayon mula P420 – P570.
Sinabi pa ni Diokno na naabot na ng bansa ang peak ng inflation at inaasahang bababa ito ng 4.5% ngayong taon.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY