November 3, 2024

P100-MILLION CYBER-LIBEL VS PASTOR QUIBULOY, ISINAMPA NI PACMAN

Sinampahan ni Senador Manny Pacquiao ng P100-M cyber-libel ang self-proclaimed “Appointed Son of God” na si Pastor Apollo Quiboloy sa Makati city Prosecutor’s office.

Sa 13-pahinang complaint, sinabi ni Pacquiao na nagpakalat si Quiboloy ng maling balita o fake news sa kanyang TV at social media post na umanoy nagsayang ng pondo ng bayan ang Senador sa ipinatayong Sarangani Sports Training Center na hindi natapos.

Si Pastor Quiboloy na self-proclaimed “wner of the universe” at spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nag-akusa kay Pacquiao na umabot sa P3.5-B ang nasayang sa pondo ng gobyerno sa nasabing proyekto.

Napag-alaman na ang P3.5-billion na pondo na inaakusa ni Quiboloy ay ang Philippine Sports Complex na planong itayo sa Bataan na ang proponent ay si Sen. Bong Go.

Pinagbabayad ni Pacman si Pastor Quibuloy ng P100-million na damages at attorney’s fees dahil sa pagpapalaganap ng fake news at mga maling impormasyon.

“He used this deliberate falsehood to brainwash the minds of the Filipino public, recklessly propagating lies to blacken the image and reputation of an honest public servant. He even had the audacity to quote the Holy Scripture in furtherance of his lies, misleading his flock, and confusing the public, with the end in view of blackening another’s reputation,” batay sa complaint ni Pacman.

His statements, as outlined below, are far from hallow. They are criminal in nature and cannot go unpunished,” ayon pa sa Senador.

Ido-donate raw ni Pacquiao ang danyos sa pagpapatayo ng mga bahay at pagtulong sa mahihirap sakaling manalo sa nasabing kaso.