Inaprobahan ng Land Transportation, Franchising and Regulation Board (LTFRB) ang provisional P1 dagdag sa pamasahe sa mga public utility jeepney.
Noong Marso pa humihiling ng pisong dagdag pasahe ang mga PUJ driver pero ngayon lang inaprobahan kung saan malapit nang umabot sa P100 ang presyo ng kada litro ng diesel na ginagamit sa mga jeepney.
Sa petisyon ng mga transports group, hiniling nila sa LTFRB na dagdagan ng P1 ang minimum fare sa National Capital Region, Region 3 at 4.
Una nang sinabi ng LTFRB na dedesisyunan nila ngayong linggo ang petisyon sa fake hike.
“‘Yung hinihingi ng transport groups sa kanilang provisional fare increase, although nadeny noong April, there was a motion for reconsideration filed before the LTFRB and the board is tackling this matter, comparing the situation on the ground vis-a-vis doon sa hinihingi nila,” saad ni LTFRB Executive Director Tina Cassion noong Martes. Noong 2018, inaprobahan din ng LTFRB na itaas sa P10 ang minimum fare matapos na umakyat sa P40 kada litro ang presyo ng diesel. Ibinalik naman sa P9 ang minimum fare matapos na bumaba ang presyo ng diesel.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE